Copyright ©2026 Yes FM
Biboy Bibo, grabe ang gulat sa isang horror movie?!
Biboy Bibo, grabe ang gulat sa isang horror movie?!
October 28, 2026

PAANO ’YUNG GULAT, BIBOY BIBO?! AHAHAHAHA!

Sa isang video post, makikita ang matinding gulat ni Biboy Bibo na may kasamang mensaheng, “Nasa horror movie marathon kayong magkakaibigan.” Kaya naman, ang unang maiisip mo, baka naman may biglang sumulpot na multo o kaya may nakakatakot na eksenang hindi niya kinaya!

advertisement

Pero hindi pala! May kakaibang plot twist!

Hindi pala sa horror movie nagmula ang kanyang matinding gulat, kun’di sa tunog ng isang malakas na utot! KAKA-KAPE MO ’YAN, BIBOY!

Akala mo, may mumu sa likod mo, may biglang nagpakawala lang pala ng hangin! HAHAHA! Hindi na kailangan ng multo, killer, o kung anumang halimaw sa movie dahil may sarili nang jump scare ang tropahan! GUSTO MO YON?! HAHAHA

Imagine, todo tutok ka na sa screen, yakap-yakap mo pa ang unan mo, tapos biglang may maririnig kang kakaibang tunog! Aba, kahit sino naman yata, mapapatayo sa kinauupuan! Puwedeng pang-horror movie, puwede ring pang-comedy film ang datingan, eh!

Kaya lesson learned, YesPren! ’Wag masyadong magkape at baka maging magugulatin, kahit sa utot lang ng tropa! HAHAHA!

Kapag horror movie marathon kasama ang barkada, ano ang mas kinatatakutan mo, YesPren? ’Yung biglang susulpot na multo o ’yung biglang utot ng katabi mo?!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...