advertisement
Ayun naman pala, YesPren! CHISMIS LANG PALA NA MAY PINAG-IIPUNAN SI BIBOY BIBO! Paano nga naman mag-iipon kung inuna pa niya ang kanyang iced coffee?! AHAHA! Priorities muna bago future, ganern?! E sabi nga ng iba, kung hindi mo pa afford ang cravings na tulad ng bahay, kotse, at lupa, aba, iced coffee o pagkain na lang muna! HAHAHA! Hindi bale nang walang sariling bahay, basta may sariling order sa coffee shop! CHAROT! Pero aminin, YesPren, iba rin talaga ang kapangyarihan ng iced coffee. Kahit may balak kang magtipid, isang tingin lang sa menu, ayun na, goodbye savings! Ang dating “mag-iipon na talaga ako” nauuwi sa “deserve ko naman ’to!” Pero siyempre, hindi naman masamang mag-enjoy sa perang pinaghirapan mo. Ang mahalaga, may pang-cravings ka na, may pang-savings ka pa! Sana all na lang talaga sa mga kayang pagsabayin ang dalawa! EDI WOW! Kaya ikaw, YesPren, iced coffee pa rin ba ang cravings mo o ibang cravings and savings na ’yang sa’yo?! Baka naman may sikreto kayo sa pag-iipon na puwedeng gayahin ni Biboy! AHAHAHA!

