Copyright ©2026 Yes FM
Biboy Bibo, miss na miss na raw ang ex?
Biboy Bibo, miss na miss na raw ang ex?
Biboy Bibo, miss na miss na raw ang ex?
May 12, 2025

Porket uso ngayon ang usapang “multo,” nag-re-relapse na rin si Biboy Bibo! Kung ’yung iba, ang “multo” ay missed opportunities at the one that got away, ang BB natin ay minumulto raw ng mga perang nagastos niya!

Akala namin kung sinong ex na. Extra money lang pala! Sa mga nag-aabang, ang status pa rin ni Biboy Bibo ay “single, ready to mingle, basta walang label,” kaya tumesting ka na! Char!

advertisement

’Pag ganitong petsa de peligro lang talaga tayo natatauhan kung gaano tayo ka-feeling tagapagmana ’pag bagong sahod, ano? Kinsenas-katapusan naman tayo sumusuweldo, pero hindi tayo matuto-tuto!

Tingnan niyo ’tong si Biboy Bibo. Marami na ulit ang sabaw ng noodles niyan, pero naka-ready na ang mga i-che-check out niya! Hay naku! Kailan ba matatapos ang pag-heal ng inner child na ’to?! Hahaha!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...