Copyright ©2026 Yes FM
BINI Aiah, spotted sa basketball game ni Caelan Tiongson
BINI Aiah, spotted sa basketball game ni Caelan Tiongson
BINI Aiah, spotted sa basketball game ni Caelan Tiongson
March 6, 2025

Mainit-init pang balita, mga YesPren! Spotted muli si BINI Aiah sa PBA game ng Rain or Shine para suportahan si Caelan Tiongson, ang kasalukuyang na-li-link sa kaniya. Nitong March 3 lamang ay una nang nakita si Aiah na parte ng Rain or Shine crowd, at nitong March 5, present na naman siya! Sana all, ganiyan ka-supportive sa friend!

advertisement

Bagamat patuloy na kumakalat ang chismis na magkasintahan daw sila, itinatanggi ito ng kampo ni Aiah. Nagparinig na ang mga taong malapit sa BINI tungkol sa isyu. Sunod-sunod ang pag-comment ng kapatid ni Aiah sa mga posts na nagpapakalat ng ‘fake news’ tungkol sa dalawa. Sabi niya, “Not true, please delete.”

Suportado naman ng BLOOMs, ang fans ng BINI, ang kahit anong maging desisyon ni Aiah. Sabi ng isang BLOOM, “Stay happy and unbothered. 😎❤️ @bini_aiah”

Stay happy nga naman, Aiah! Kung saan o kanino mo man mahanap ang ligaya, support ka ng mga YesPren!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...