Copyright ©2026 Yes FM
BINI at SB19, mapapanood na sa Weverse!
BINI at SB19, mapapanood na sa Weverse!
March 13, 2026

Lumelevel na ang P-pop sa K-pop! Matapos tayong bitinin sa "Guess Who" teaser, heto na ang kumpirmasyon! Ang ating “Nation’s Girl Group” na BINI at ang “Kings of P-pop” na SB19 ay parte na ng sikat na global fandom platform na Weverse! Ibang level na talaga ang P-pop groups, 'di ba?! Kasabayan na nila ang mga sikat na K-pop stars!

Hindi man sila ang kauna-unahang P-pop groups na sumali sa Weverse, maituturing pa rin itong isang malaking achievement dahil sa unang pagkakataon, ang dalawang pinakamalaking haligi ng P-pop ay sabay na bibida sa platform na ‘to! Over talaga sila sa mga achievements! Pang-global!

Saya at excitement naman ang naging reaksyon ng mga Blooms at A’TIN, at karamihan ay hindi na makapaghintay! Ayon sa official Instagram post ng Weverse, abangan sa March 16, 2026, 12:00 PM (KST) ang exclusive contents ng BINI, gayundin ang exclusive live sessions, unreleased footages, at daily updates ng SB19 sa March 19, 2026, 12:00 PM (KST) na mapapanood sa mismong app!


Kaya mga YesPren! I-download n’yo na ang Weverse app para hindi ka mahuli sa updates ng iyong favorite P-pop groups at manatiling naka-follow sa official accounts ng Weverse para sa karagdagang detalye! Dito mo lang mapapanood ang mga exclusive moments na 'di mo dapat palampasin!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...