Copyright ©2026 Yes FM
BINI at SB19, nominated sa Grammy Awards!
BINI at SB19, nominated sa Grammy Awards!
November 17, 2026

Pang-international level na talaga ang atake ng ating P-Pop!

BINI at SB19, pasok bilang kauna-unahang P-Pop groups na nominado sa 69th Annual Grammy Awards! PASA IS BOG, ‘DI BA?! History is made, ika nga!

Nag-announce ang Recording Academy noong November 16 ng listahan ng mga nominado para sa bagong category ng Best Asian Pop Music Performance. At siyempre, dahil magaling ang Pinoy, kasama rito ang nation’s girl group na BINI para sa “Unang Kilig” at ang Kings of P-Pop na SB19 para sa “VISA.” GRABE, DALAWANG P-POP GROUPS AGAD?! PAK NA PAK!

Makakalaban nila ang BABYMETAL at Polyphia, IVE, KiiiKiii, at LiSA. GANERN KABIGAT ANG LABAN!

Sa dami ba naman ng international ganap ng dalawang grupo, ay talagang mapapansin at deserve nila ang ma-nominate! Noong April 2026, nag-perform ang BINI sa Coachella bilang kauna-unahang homegrown Filipino group act sa lineup. Nakapag-perform din sila sa Grammy Museum sa Los Angeles.

Samantala, pinatunayan din ng SB19 ang kanilang global appeal nang mag-perform sila sa Lollapalooza Chicago noong July 2026!

Sana ito na ang simula ng mas marami pang Filipino artists na makilala sa buong mundo! From P-Pop stages to Grammy nominations, pinatunayan ng BINI at SB19 na kaya ring makipagsabayan ng mga Pinoy sa international scene! GANYAN ANG PINOY!

Manalo o matalo man ang BINI at SB19, panalo na kayo sa puso namin! PROUD NA PROUD KAMI SA INYO! Congratulations, BINI at SB19! DASURV NA DASURV!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...