advertisement
Swak naman sa nostalgic theme ang buong event dahil parang dinala nito ang fans sa isang classic Filipino childhood birthday party. Naging warm at homey ang setup ng venue, habang puno naman ng birthday hats, teks, pogs, candies at iba pang childhood favorites ang merchandise, freebies, at activities.
May classic Filipino games din tulad ng “Hep Hep Hooray” at “Bring Me,” kung saan may mga maswerteng nanalo ng merchandise at iba pang goodies. May mga booth din para sa fan-made merchandise, photobooths, scrapbook-making, at exchanges kung saan puwedeng makakuha ang fans ng iba’t ibang freebies.
At kumpleto ba ang birthday party kung walang MUSIKA?! Tampok sa lineup ang ilan sa artists na gusto ni Colet mismo at na-introduce na rin niya sa kanyang fans. Nagbukas ng gabi ang Tala’t Luna, na sinundan ng Letters From June, na nakasama noon ng BINI sa isang festival lineup noong 2023. Nag-perform din si Dave Trinidad, na nagpasalamat kay Colet at sa BINI fans dahil nakatulong ang mga ito para makabalik siya sa paggawa ng music.
Mas naging special pa ang gabi nang biglang lumabas si Colet habang nag-pe-perform si Chezka. Imbes na performer, naging certified fangirl muna si Colet habang pinapanood ang isa sa kanyang favorite artists.
Isa sa mga pinaka-inaabangang moments ng gabi ang performance ni Arthur Nery, na nagkaroon ng special duet kasama si Colet. Nagustuhan ito nang husto ng crowd kaya nag-request pa ang mga fans ng encore.
Pero higit pa sa performances at activities, naging celebration talaga ang “Dancing in the Rain” ng espesyal na connection ni Colet at ng kanyang supporters. Sa pagtatapos ng gabi, sabay-sabay siyang kinantahan ng fans ng “Happy Birthday.” Nagpasalamat naman si Colet at sinuklian ang pagmamahal ng kanyang fans sa pamamagitan ng pagkanta rin para sa kanila.
Hindi pa doon nagtapos ang birthday festivities dahil sinundan pa ito ng napakasayang after-party! Happy Birthday ulit sa bossing namin, BINI Colet!
BINI Colet, ipinagdiwang ang birthday kasama ang fans at iba't ibang OPM artists!
Naging throwback birthday celebration para kay BINI Colet ang kanyang kaarawan matapos magsama-sama ang fans mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas para sa “Dancing in the Rain,” isang celebration na inorganisa ng Colet Fan Suporta nitong September 14, 2026 sa World Trade Exchange Building sa Binondo, Manila.
May fans pang bumiyahe mula Davao at Cebu para lang makiisa sa espesyal na araw ni Colet. Mas ma-effort pa ang Blooms kaysa sa jowa mo for 5 years. CHAROT!
