Copyright ©2026 Yes FM
BINI Jhoanna at Skusta Clee, magkasamang nag-Bagong Taon sa ibang bansa?
BINI Jhoanna at Skusta Clee, magkasamang nag-Bagong Taon sa ibang bansa?
January 6, 2026

Hindi pa nga kami nakaka-move on sa mga ganap noong holidays, talagang sinasabayan niyo na naman ng bagong pagpipyestahan, mga YesPren! Hahaha! Parang isang handa kasi sa hapag kung pagkaguluhan ngayon online ang chikang magjowa raw sina BINI Jhoanna at Skusta Clee.

Nag-ugat ang chismis na ito nang muling kumilos ang mga online investigator! Hahaha! Chika nila, magkapareho raw ang mga ibinalandrang post ng dalawa galing sa kanilang Vietnam trip.

advertisement

Bagamat magkaibang araw in-upload ng dalawa ang kanilang pictures, halatang-halata naman daw na same places ang mga pinuntahan nila. Maging ang eksaktong spot kung saan kinuhaan ang kanilang mga litrato, pareho raw. Over naman sa investigation! Hahaha!

Kalat na kalat na ngayon, lalo sa Reddit, ang sabi-sabing baka raw may espesyal na ugnayan ang dalawa at sabay nilang iniwan ang 2025 sa ibang bansa. Nadagdagan pa ito nang mag-post si Jhoanna sa X tungkol sa pagpili sa sarili niyang kasiyahan nang walang guilt at explanation.

Say naman ng fans ng 21-year-old na dalaga ay kailangan niya nang magsalita tungkol sa isyung ito dahil masyado nang lumalaki.

May mga hindi na rin magandang komento ang fans tungkol sa rapper dahil knows naman natin ang mga issue niya sa past, right?

Habang may mga naghihinala at humuhusga, tikom pa rin ang bibig ng dalawang panig ukol dito.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...