advertisement
Para sa Blooms, hindi na ito nakakapagtaka dahil kitang-kita naman ang hard work nina Jhoanna, Maloi, Stacey, Aiah, Colet, Gwen, Mikha, at Sheena, pero aminin natin, nakaka-proud pa ring makita ang OPM na kinikilala sa ganitong kalaking platform!
Kaya naman, ihanda na ang inyong lightsticks at todo-suporta! Isang malaking hakbang ito hindi lang para sa BINI, kun'di para sa buong OPM scene. Congratulations, BINI! Buhay na buhay ang P-Pop!
BINI, may performance sa GRAMMY Studios' Global Spin Live ngayong April

BINI, may performance sa GRAMMY Studios' Global Spin Live ngayong April
Grabe na talaga ang nararating ng ating "Nation’s Girl Group" na BINI! Matapos ang sunod-sunod na sold-out concerts at pag-dominate sa music charts, heto at bibida naman sila sa international stage. Kinumpirma na nga na lalahok ang BINI sa "Global Spin Live" ng GRAMMY Museum sa Los Angeles ngayong darating na April.
Ano nga ba itong Global Spin Live? Isa itong prestihiyosong performance at interview series na nagtatampok ng mga sikat na artist mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Imagine niyo na lang na ang BINI girls ay uupo para sa isang makabuluhang diskusyon tungkol sa kanilang career at siyempre, magpapakitang-gilas din sa pagkanta at pagsayaw sa harap ng global audience.
