advertisement
Inulan ng pam-ba-bash si Mikha matapos kumalat ang livestream niya habang nagda-drive. Maraming netizens ang hindi natuwa sa ginawa niya dahil delikado ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho. Ang dami tuloy nagsabi na hindi na Pantropiko ang kanta niya, “Pantrapiko” na! HAHAHA. Ang tataba talaga ng utak ng netizens!
Sa kaniyang statement, humingi ng sorry ang BINI member at inamin na mali ang ginawa niya. Wala raw siyang excuse sa nangyari at handa siyang tanggapin ang magiging parusa sa kaniya. OH DI’ BA? Accountable naman pala siya, YesPren! Hindi katulad ng iba riyan na gagamit ng koneksyon?! AYCHHHH!
Hindi na hinintay ni Mikha ang schedule ng pagpunta niya sa Land Transportation Office (LTO) sa November 20. Noong November 11, personal na siyang rumampa sa opisina ng LTO Assistant Secretary Markus Lacanilao matapos siyang makatanggap ng show cause order at masuspinde ang kaniyang driver's license. AYUN, cancel muna ang roadtrips ng tatlong buwan. Book ka na lang muna ng taxi, Mikha! CHAR
Para kay Mikha, malaking lesson daw ito sa kaniya. Mas magiging careful, disciplined, at responsible na raw siya sa susunod. Nangako rin siyang hindi na ito mauulit.
Kaya naman, reminder lang, YesPren! Kung gusto mag-cellphone, mag-live, o magbasa ng comments, tumabi muna sa safe na lugar! Hindi kailangang lahat ng ganap ay naka-livestream, lalo na kung nagda-drive. Unahin ang safety bago ang content! HAHAHA. INGAT SA BIYAHE, YESPREN!
BINI Mikha Lim, humingi ng tawad sa paggamit ng cellphone habang nagda-drive!
LIVE NOW, LTO LATER! HUHUHU
Sorry na raw at aminadong malaking pagkakamali ito! BINI Mikha Lim, nagsisi na sa pagla-livestream habang nagmamaneho!
