Copyright ©2026 Yes FM
BINI, naglabas ng bagong lightstick para sa inaabangang Grand Biniverse Concert
BINI, naglabas ng bagong lightstick para sa inaabangang Grand Biniverse Concert
BINI, naglabas ng bagong lightstick para sa inaabangang Grand Biniverse Concert
October 16, 2024

Isang buwan bago maganap ang Grand Biniverse Concert, ni-reveal na ang opisyal na lightstick ng BINI sa isang livestream na ginanap sa BINI website nitong Martes, October 15.

Tuwang-tuwa ang members nang makita ito. Paliwanag pa ni Jhoanna Robles, ang leader ng grupo, “Parang worth it lang kasi ang tagal din namin ito pinaghandaan."

advertisement

Pakak na pakak naman talaga ang design ng lightstick dahil naka-feature dito ang main logo ng BINI na flower, at ang handle naman nito ay group color nila na teal! On brand, ‘di ba?

Siyempre, pakak na pakak din ang presyo. Nagkakahalaga ng Php 2,999 ang package at kasama rito ang lightstick, strap, photocard set, user manual, at package box. Abang-abang na sa October 27 dahil ito ang petsa ng kanilang general sale.


YesPren naming Blooms, sana handa na ang wallet natin!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...