advertisement
Sama-sama ang Luckies at Blooms na nag-enjoy sa iba't ibang booths, food carts, games, at performances mula sa iba't ibang OPM artists!
Nag-simula ang event sa super saya na pre-show kung saan napakaraming games ang pinalaro sa 500+ attendees! Samu't saring papremyo naman ang binigay sa mga nanalo!
Sinundan naman ito ng performances mula sa soafer talented at kakalog na dance groups, ILLEAH PH at TWAIN PH! Nabuhayan naman lalo ang fans nang mag-perform na ang OPM artists para sa one-of-a-kind na gig night tulad nina Whirlpool Street, planetana, Noah Alejandre, dwta, JAO, Frank Ely, Sugarcane, at ang The Itchyworms!Hindi nga lang nakapunta si 'Madam' Maloi sa Maloi Day dahil sa biglaang trabaho, pero gustong-gusto niya raw sana makapunta. Tinawagan naman siya ng kanyang family na dumalo rin sa event at nagpasalamat siya via videocall sa lahat ng bumuo ng napaka-espesyal na araw na iyon kasama na ang Maloi Fan Support, Luckies, at Blooms na dumalo. Patunay lang ito na ang daming nagmamahal sa'yo, Maloi! MALIGAYANG KAARAWAN MULI!

