Copyright ©2026 Yes FM
Bokalista ng 12th Street, na-meet na raw ang parents ng isang BINI member?!
Bokalista ng 12th Street, na-meet na raw ang parents ng isang BINI member?!
September 27, 2025

“Hi, Tito at Tita!” ‘Yan ang HANGOVER shoutout ni 12th Street AJ para sa mga magulang ni BINI Jhoanna! Nitong nakaraang September 24, nakachikahan natin ang rising OPM band na 12th Street. Siyempre, ‘di na natin pinalampas ang pagkakataon na matanong kung gaano nga ba sila ka-close kina BINI Jhoanna at BINI Maloi. Napansin ng fans na ginagamit ni Maloi ang kanta ng 12th Street, at nakita rin nila na pumunta si BINI Jhoanna sa gig nila.

advertisement

Sabi ni 12th Street Allen, “Nagkataon lang. I mean, Maloi regularly features OPM artists sa profile niya. We were lucky to be featured. Thank you, BINI Maloi.”

Kuwento naman ni 12th Street AJ, “I was getting some water noon kasi kakatapos lang ng gig namin. There [were] these persons, and sabi nila, “Ang galing niyo!” So, I was expecting na they were just [fans] or simpleng napadaan lang. Then, sinabi ng friend ko, “‘Di ba nakausap mo ‘yung parents ni Jhoanna?” ‘Di ko alam! ‘Di ko tuloy sila nabati in a formal [way].”

At least, na-shoutout niya na sa HANGOVER, ‘di ba? Counted na rin ‘yon! Kung bitin ka sa kuwento ni AJ, panoorin mo ang full video sa HANGOVER YouTube channel.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...