advertisement
Sa interview ni Boy kay Kris Aquino, sinabi ni Bimby na gusto niyang makahanap ng babaeng tatanggap hindi lang sa kaniya, kun'di pati sa kaniyang kuya. Sabi niya, “I will marry someone na tanggap si Kuya.” HUUUY, ayan ang green flag! Alam mong mapagmahal sa pamilya!
Hindi pa riyan nagtatapos! Ipinaliwanag din ni Bimby na balang araw, kapag wala na ang kanilang mama, siya ang mag-aalaga kay Kuya Josh. GRABE NAMAN ANG RESPONSIBILIDAD AT PAGMAMAHAL MO, BUNSO!
Dahil sa pahayag na ito, hindi nakapagtatakang maiiyak si Tito Boy. Sino ba naman ang hindi mapapa-sana all sa ganitong klaseng samahan ng magkapatid? Habang ang iba, nag-iisip kung anong love language ang hanap sa future jowa, si Bimby, kasama na agad sa checklist ang pagtanggap sa kaniyang pamilya!
At aminin, YesPren, ibang klase ang ganitong pagmamahal. Hindi lang basta kilig ang priority, kundi ang masigurong may taong handang umunawa at magmahal sa mga taong pinakamahalaga sa buhay niya. OH, ’di ka maka-relate? Gusto mo kasi ’yung tipong hindi nag-re-reply sa'yo, eh! HAHAHA! Red flag ang gusto, color blind ka ba? CHAR!
Ikaw, YesPren, na-touch ka rin ba sa sinabi ni Bimby?
Boy Abunda, naiyak sa sinabi ni Bimby na “I will marry someone na tanggap si Kuya”
Ganyan magmahal ang isang kapatid na si Bimby!
Usap-usapan ang nakaka-touch na mensahe ni Bimby Aquino-Yap tungkol sa kaniyang Kuya Josh na talaga namang tumagos sa puso ni Boy Abunda. Tito Boy, SAME!
