Sa likod ng malamig na rehas nadatnan ngayon si Lexter Castro o 'Boy Dila.' Ito ay matapos daw siyang ireklamo ng isang menor de edad ng pambabastos.

Pupuntahan lang diumano ng isang reporter si 'Boy Dila' para kamustahin, pero shookt siya nang malamang nakakulong ang lalaki matapos umanong manitsit.
"Nakasuhan po ako ng Anti-Bastos Law. Sa pagsitsit po. Menor de edad, Sir, nadala lang po sa pagkalasing ko,” paliwanag niya sa isang interview.

Kung matatandaan, nag-viral siya noong 2024 Wattah Wattah Festival nang mambasa siya ng isang rider. Dahil dito, nagkaroon ng ordinansa ang San Juan na bawal na ang basaan kung saan-saan sa siyudad at nagkaroon na lamang ng tinatawag na "basaan zone."
Nanghihinayang naman ang ilan dahil sa naging restrictions sa nakalakihang tradisyon.
Sana ay magsilbi na itong lesson sa kaniya. Pati na rin sa inyo, mga YesPren, bawal ang bastos!

