Candidates ng Miss Universe 2025, nag-walkout sa orientation ni Nawat Itsaragrisil
Hindi sa stage kung hindi sa orientation ng Miss Universe 2025 naganap ang unang pagrampa ng ilang kandidata. Dahil daw ito sa hindi nila nagustuhang attitude ng Miss Universe-Thailand exec na si Nawat Itsaragrisil matapos niyang i-call out ang kandidata mula sa Mexico.
Ang pagtawag ni Nawat ng "dumb" at pagtataas nito ng boses kay Miss Mexico ang naging dahilan para lumabas ito sa venue ng orientation. Sinundan ito ng ilan pang kandidata, maging ng reigning Miss Universe na si Victoria Theilvig. "We have respect for everyone, but this is not how things [should] be handled. To trash another girl is beyond disrespectful," sabi niya.
Nagsimula umano ito nang humindi ang ilang kandidata sa photoshoot ng isang sponsor at papayag lang daw sa mga activity na hawak ng American Sapanish-language TV network na Telemundo.
Sinubukan daw ni Miss Mexico na ipaliwanag ang kaniyang panig hanggang sa tuluyan nang uminit ang naging pag-uusap sa pagitan nila ni Nawat.
Mukhang naayos naman daw ang gusot sa pagitan ng Miss Universe Thailand organization at ng mga kandidata matapos matuloy ang sashing ceremony. Humingi rin ng sorry si Nawat Itsaragrisil at sinabing siya ay "very pressured" lang.
Hindi naman nahagip ng clips ang pambato nating si Miss Universe Philippines Ahtisa Manalo.