advertisement
Sabi niya pa, nagbago na raw ang kaniyang pananaw tungkol sa pagpapakasal. Matapos kasi ang kaniyang failed marriage kay Tom Rodriguez, tila nagka-allergy ang aktres sa pagsusuot ng singsing.
“That's coming from a person who's very wounded and broken. Of course I'm a different person today than I was before or yesterday,” say ng Kapuso aktres.
Naging mahirap at matagal man ang kaniyang healing process, nitong nakaraan ay ni-reveal niyang handa nang muli ang kaniyang puso. Nakikipag-date na nga siya ulit. Base 'yan sa mga soft launch photo na in-upload niya sa kaniyang Instagram.
Dahil markado na sa kaniya ang mga nasa industriya, this time ayaw na raw niya ng nasa Showbiz. Hahaha! True kaya ang chikang ito? Kung oo, dasurb na dasurb naman!

