advertisement
Ayon kay Caloy, si Chloe ang naging inspiration niya sa pagkapanalo ng dalawang gold medals sa Paris 2024 Olympics. Kaya naman para sa kanya, si Chloe ang “gold medal ng puso” niya. Ayan ang “WHEN?!” ng lahat. HAHAHA.
Dalawa rin ang dahilan kung bakit dalawang singsing ang ibinigay niya, simbolo raw ito ng dalawang Olympic gold medals niya. At mas nakakakilig, gusto raw niyang parehong may singsing ang dalawang kamay ni Chloe kapag nag-ho-holding hands sila. Tapos ikaw, wala na ngang diamond ring, wala pang ka-holding hands?! ARAY MO!
Marami ang natuwa sa balitang engaged na silang dalawa, pero siyempre, marami rin ang bashers! Pero DEDMA RAW SI CALOY SA “LOSARTAN WARRIORS.”
Highblood na highblood ang ibang netizens dahil sa relasyon ng dalawa, kaya naman binansagan na “Losartan Warriors” ng netizens ang mga ito! HAHAHA. Pero ang sagot ni Caloy sa mga ito ay “I don't really care.”
Mas pinipili raw niyang makinig sa sarili niya at sa mga taong malapit sa kanya.From 2 Olympic golds to 2 engagement rings, sabay-sabay tayong mag-“SANA ALL.” Congratulations, Caloy and Chloe!

