advertisement
Mangyayari ito sa March 6, 2026, 8:00 PM sa New Frontier Theater. Hindi lang ito basta biritan kun'di isa itong selebrasyon ng kanilang pagkakaibigan at dekadang itinalaga sa musika. Siguradong mapapabalik ka sa mga panahong nagpapa-burn ka pa ng CD sa bawat kanta nila, lalo na’t kilala ang dalawa sa kanilang nakaka-in love na chemistry on stage.
Bukod sa mga paborito nating hits, aabangan din ang live performance ng bagong single ni Christian na "Sa’yo Lamang" na lalabas ngayong February 25. Fresh sound daw ito, pero mayroon pa ring atake ng "Romantic Balladeer" na minahal nating lahat!
Kaya kung naghahanap ka ng dahilan para mag-emote kasama ang mga hopeless romantic mong kaibigan, ito na ’yun. Hahaha! Takbo na sa TicketNet para makakuha ng seats bago pa maubusan o kaya nama'y bili na sa link na ito!
