Copyright ©2026 Yes FM
Christian Bautista, nagwala nga ba dahil ‘di matanggap ang bashing?!
Christian Bautista, nagwala nga ba dahil ‘di matanggap ang bashing?!
October 5, 2025

Christian Bautista, nagwala nga ba dahil ‘di matanggap ang bashing?!

“Paano ba ‘yan sumikat, eh, boses kambing naman?!” ‘Yan ang maanghang na tanong na sumalubong sa nag-iisang Asia’s Romantic Balladeer nitong nakaraang October 2! Puno ng masasakit na salita ang laman ng iilang post tungkol kay Christian Bautista, at sa panibagong episode ng HANGOVER, nakasama natin siya para mabigyan siya ng tsansang kontrahin ang pang-ba-bash na ito.

advertisement

Kinuwento ni DJ Shai ang isang thread ng lumang Reddit post patungkol sa singing style ng OPM artist. Sabi ng nag-post, “Hindi talaga ako makapaniwala na sumikat si Christian Bautista na singer sa ‘Pinas! Napakakambing-like ng boses niya, and he struggles with some songs with intermediate difficulty! Like, WTF?!”

Napabalentong talaga si Christian Bautista sa upuan niya nang marinig ito! Pabiro pa nga siyang naiyak! Hahaha! Over kasi sa bash ang nag-post ng thread, at bilang beteranong singer, sinagot naman niya ito nang deretsahan. Sabi ni Christian, “Okay, sige, I respect it. You should see more of my shows to prove you wrong, though!”

May point siya, ‘di ba? Dapat talaga pakinggan mo ang mga kanta niya, at kung gusto mo pa mapanood ang ibang performances niya, pumunta ka lang sa HANGOVER YouTube channel!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...