Copyright ©2026 Yes FM
PBB housemate Cianne Dominguez, sinasabihan ng netizens na may anghit?!
PBB housemate Cianne Dominguez, sinasabihan ng netizens na may anghit?!
November 3, 2026

Grabe kayo, Netizens! Naamoy niyo rin ba siya sa TV ninyo?! HAHAHA! Na para bang may ilong ‘yan sila sa TV!

Naging usap-usapan online si Cianne Dominguez matapos kumalat ang clip ng usapan nila ng ilang housemates tungkol sa sauna at shower time. Sa nasabing video, napunta ang usapan sa posibilidad na magkaroon ng body odor o “anghit” kapag hindi nakaligo pagkatapos mag-sauna.

advertisement

Dahil dito, may ilang netizens na nagbigay ng kani-kanilang komento at nadamay pa ang pangalan ni Cianne sa usapan! Pero may mga nagtanggol din sa kaniya at sinabing mas mabuting panoorin muna ang buong video bago manghusga. NAKU! Lagot kayo sa fans ni Cianne! HAHAHA!

Pero teka lang! Wala namang confirmation mula kay Cianne o sa mga housemates na siya nga ang tinutukoy na may anghit. Baka naman kasi ’yung fake grass nga naman ang mabaho tulad ng sabi ni Gehlee?! Bakit si Cianne agad ang napagbintangan?! HAHAHA!

Pero ang tanong ng netizens, kung hindi siya ang may anghit, bakit daw siya defensive?!

Aba, YesPren, hindi naman porke may naamoy kang kakaiba, may suspek ka na agad! Baka naman kailangan lang maglinis ng floor, hindi maghanap ng salarin! CHAR!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...