advertisement
Sa comment section, nilinaw mismo ni Rosmar kung paano niya kinukuwenta ang kaniyang packing speed:“Minus nyo lang ilang minutes sa pag cut ng bubble wrap. 1,920 ang kaya ko sa 8 hrs siguro if kasama cut bubble wrap mga 1500 up siguro.” Ibig sabihin, kung pagbabasehan ang kaniyang computation, nasa 1,920 parcels ang kaya niyang ibalot sa loob ng walong oras kapag hindi isinama ang oras sa pag-cut ng bubble wrap. Kapag kasama naman ang pag-cut, tinatayang 1,500 pataas ang kayang kitain. Pero siyempre, hindi nagpahuli ang netizens at naglabasan ang kanilang sariling “scientific calculations," EME! May isang nagtanong kung paano niya mapapanatili ang ganoong pacing sa loob ng walong oras: “Robot ka ba? Makina? Automatic??? Kaya i-maintain ang pacing ng pagbabalot sa loob ng 8 hrs???” May iba namang diretso ang atake: “Kaya mo naman pala eh, ikaw na magbalot ng mga parcels.” At may netizen ding tila may personal na sama ng loob sa one-peso-per-parcel setup: “At talagang pinipilit mo piso per parcel mo, aray ko hahahahaah.” Pero may nagbigay rin ng mas realistic na computation: “Para sa akin 2 parcels lang ang kaya mo in 1 minute, kasi mag-cut ka pa ng bubble wrap. At hindi rin straight 8 hours kasi need mo pa mag-break, kumain, CR, uminom, snack at pahinga saglit pag nangalay na.” At honestly, may point din naman ang netizens. Kasi YesPren, tao tayo, hindi packing machine. Kung si Rosmar ay kayang magbalot ng apat na parcel kada minuto, congrats sa kanya! Char!

