Copyright ©2026 Yes FM
Content creator Hajie Alejandro, nagbigay ng komento tungkol sa buhay mag-asawa
Content creator Hajie Alejandro, nagbigay ng komento tungkol sa buhay mag-asawa
February 19, 2026

Dahil talamak ngayon sa social media ang usapin tungkol sa pag-aasawa, nagbigay na rin ng komento ang kilalang content creator na si Hajie Alejandro!

Chika ng kilalang makeup artist, "Nakakalungkot kapag ang buhay ng asawa, parang umiikot na lang sa [lalaki, sa] gusto niya, [sa ego niya, sa] insecurities niya." Dapat daw equal at isang partnership ang pag-aasawa.

advertisement

Nakaka-frustrate din daw ang pag-iisip na ang mga babae ay dapat sumunod at manahimik lang. OO NGA! Baguhin niyo na 'yan, mga YesPren! 2026 na!

Pasabog pa ni Hajie hindi raw tama na gamitin ang religion para i-justify ang maling paniniwala. Isa raw itong "toxic masculinity." LOUDER, HAJIE! CHAROT!

Wala namang binanggit si Hajie kung may direktang pinatatamaan ang post na ito, pero marami sa mga komento ang nagsabing related daw ito sa issue ngayon ni Alvin Aragon at Izzy Trazona.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...