advertisement
Ang nasabing concert na pinamagatang “SANDALI” ay gaganapin sa darating na May 23, 2026. Ayon sa kanilang official Instagram post, ang concert ay hindi lamang mapupuno ng kanilang musika kun'di pati na rin ng lights at water splashes! Oh, 'di ba?! May bago na talagang i-lo-look forward ngayong summer!
Dagdag pa nila, ang concert na ito ay para sa kanilang fandom na “Joewahs” at sa lahat ng taong naniwala, nagmahal, at patuloy na sumusuporta sa kanilang banda. Bagama’t wala pang inilalabas na karagdagang detalye tungkol sa ticket prices at seating plan, hindi na agad mapakali ang Joewahs! Dahil ang sigaw agad ng marami ay: “DAY 2 PLEASE!” Hahaha!
‘Wag kalimutang i-follow ang official social media accounts ng Cup of Joe para masubaybayan ang kanilang ticket selling details!

Cup of Joe, unang OPM band na may solo concert sa Philippine Sports Stadium!
Sandali! Kung akala niyo ay tapos na ang pasabog ng isa sa ating mga paboritong Pinoy OPM band na Cup of Joe, naku, nagkakamali kayo! Hindi lang basta “level up,” kun'di super-duper level up ang atake nila ngayong 2026!
Pagkatapos nilang yanigin ang Billboard World Digital Sales Chart at masungkit ang No. 6 dahil sa kanilang bagong single na “VISA," ngayon naman ay magkakaroon sila ng concert sa Bulacan bilang kauna-unahang local band na sasabak nang solo sa Philippine Sports Stadium!
