Copyright ©2026 Yes FM
Daniel Padilla at Kaila Estrada, magjowa na nga ba?
Daniel Padilla at Kaila Estrada, magjowa na nga ba?
September 17, 2025

Hindi tulad ng katatapos lang na teleseryeng 'Incognito,' tila hindi na naitago ni Ogie Diaz ang nalaman niyang chismis. Sa kaniya kasing YouTube channel na Ogie Diaz ShowBiz Update noong September 16, sinabi niyang in a relationship na raw sina Daniel Padilla at Kaila Estrada.

"May bagong magjowa. Depende na sa kanila kung aaminin nila o i-de-deny. Daniel Padilla and Kaila Estrada," chika ng ShowBiz insider. Hindi umano niya inasahan ang balitang 'to, pero marami umanong nakakita sa dalawa na magkasamang nanood ng sine sa Power Plant Mall.

advertisement

Dagdag niya, wala namang masama kung aamin ang dalawa dahil parehas naman silang single. "Diyos ko naman, wala naman silang sinasagasaan o tinatapakan," sabi ni Mama Ogs.

Tuwang-tuwa naman ang fans nina Kaila at Daniel dahil sa balitang ito.

Hindi rin nakaligtas ang ex ni DJ na si Kathyrn Bernardo sa chismis. Binaggit din kasi ni Ogie na keri lang daw na may jowa na ang aktor, maging si Kathryn naman daw ay na-li-link na rin sa iba. Boka niya, "Lagi silang nakikita ni Mayor Alcala ng Lucena. Although, wala pa silang pag-amin."

Kung tumpak ang mga nakakalokang chismis na ito, YesPren, ano ang mararamdaman niyo? Baka kasi sila naka-move on na, tayo na lang ang hindi! Charot! Hahahaha!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...