advertisement
Bagamat inamin ng aktor na labis siyang naluha at nalungkot sa desisyon ng anak, binigyang-diin niya na buong-puso pa rin niyang rerespetuhin ang desisyon nito. Ayon kay Dennis sa kanyang caption, "Love you Claui... I respect your decision... Malungkot lang talaga." Idinagdag pa niya na anuman ang mangyari ay hindi magbabago ang pagmamahal at pag-asa niya para sa kanyang mga anak.
Matatandaang naging usap-usapan din ang relasyon ng mag-ama noong nakaraang taon matapos ihayag ni Dennis ang kanyang hinanakit sa naging trato sa kanya sa kasal ni Claudia.
Dennis Padilla, nagsalita tungkol sa petisyon ng anak na si Claudia na papalitan ang kanyang apelyido
Ikinabigla ng publiko ang pinakabagong isyu sa pamilya ng aktor at komedyanteng si Dennis Padilla matapos nitong ibahagi sa social media na naghain ng legal na petisyon ang kanyang anak na si Claudia Barretto para opisyal nang alisin ang kanyang apelyido.
Sa isang Instagram post nitong June 8,, ipinakita ni Dennis ang kopya ng dokumento mula sa Quezon City Regional Trial Court. Hiling dito ni Claudia na palitan ang kanyang buong pangalan mula sa Claudia Isabelle Barretto Baldivia (tunay na apelyido ni Dennis) at gawing sa Claudia Isabelle Barretto na lamang.
