Copyright ©2026 Yes FM
Dennis Trillo, bumanat sa pahayag ni Patrick Garcia: “Salamat at naalala mo si Jazz”
Dennis Trillo, bumanat sa pahayag ni Patrick Garcia: “Salamat at naalala mo si Jazz”
October 1, 2026

Yung akala nating lahat tapos na pero hindi pa pala!

Aba siyempre! May sagot agad si Dennis Trillo matapos magsalita si Patrick Garcia tungkol sa nakaraan nila ni Jennylyn Mercado.

advertisement

Sa isang post, sinabi ni Dennis: “Hindi ako pabor sa bashing, pero salamat at naalala mo si Jazz dahil sa pag-bash sa anak mo. Spread love, not hate.”

Ganon! Simple lang ang sagot niya pero may atake!

Nagdesisyon si Patrick na ilabas ang kanyang side matapos ma-bash ang anak niyang si Michelle dahil sa mga isyung konektado sa nakaraan nila ni Jen.
Hindi pa diyan natatapos ang mainit na balita!

Ayon kay Patrick, hindi raw siya nakapagbigay nang maayos dahil hindi niya nakikita si Jazz. Kaya naman ang tanong: Paano nga naman daw magbibigay kung hindi mo nakikita?

Pero may sagot agad si Dennis Trillo sa Threads:
“Ano ang bag mo?”

Ayan na po, usapang ambag at sustento na!

May netizen pa ngang nag-comment, “Pano naman daw iaabot ang bag, di naman nakikita @dennistrillo, HAHA”

Sagot ni Dennis: “May QR code po kami.”

2026 na talaga. Kahit sustento, puwede nang QR code! HAHAHA! O, ilag ang mga ferson ha!

Ikaw, YesPren? Kung magsalita ang ex-partner mo tungkol sa isang matagal nang issue niyo, anong gagawin mo? Sasagot ka rin ba o dedma na lang?

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...