Tila hindi raw natapos sa pelikulang 'One More Chance' ang init sa pagitan nina Popoy at Mark. Dahil say ni Ellen Adarna sa kaniyang Instagram, may paghahamon pa raw na naganap sa totoong buhay si Derek Ramsay kay John Lloyd Cruz.
Nagsimula ang chika ng aktres nang may nakapansing netizen na close daw si JL sa kaniyang mga kapatid. Nagbatian pa nga raw sila noong Father's Day. Chismis ni Ellen, "Meanwhile, 'yung isa, hinamon pa ng suntukan 'yung kapatid ko who's like half his age."

Dito niya na rin nabanggit na, "Fun fact! Hinamon din niya ng away si JL."
Hindi naman daw siya pinatulan ng aktor kahit na dalawang beses itong nangyari sa kanilang dalawa.
Sa huli, pinuri ni Ellen si JL dahil bukas daw itong tumulong sa kaniya sa kahit anong paraan, lalo na nang lumipat siya ng bahay kasama ang kanilang anak na si Elias.