Copyright ©2026 Yes FM
Dia Maté at Rufa Mae Quinto, naglabas ng holiday single na pinamagatang ‘This Christmas (Ho Ho Ho)’
Dia Maté at Rufa Mae Quinto, naglabas ng holiday single na pinamagatang ‘This Christmas (Ho Ho Ho)’
November 26, 2025

Kung mayro’ng “Go, Go, Go!” si Rufa Mae, mayro’n ding “Ho, Ho, Ho!” si Dia Maté! Sa isang surprise collaboration, nagsama ang pop artist at Reina Hispanoamerica 2025 na si Dia Maté at ang komedyanteng si Rufa Mae Quinto para sa kanilang first-ever Christmas single na pinamagatang ‘This Christmas (Ho Ho Ho)’.

advertisement

Sa isang Facebook post, ni-reveal ni Dia na si Rufa Mae nga ang kasama niya sa collab na ito. Sabi niya, “Christmas season na! Thank you so much to Ate P-Chi for gracing this track and giving it so much life and love! STREAM NIYO NA! Todo na ho! 💖”

Mapapanood ang special visualizer ng kanta sa YouTube channel ni Dia Maté.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...