advertisement
Inamin naman ni Dia Maté na hindi maiiwasan ang pag-edit. Sabi niya, “I’m gonna be honest–if I have a raw photo, I’ll clean it up. If I have lipstick on my tooth, I’m gonna take that out. If my eyebags look dark, I’m gonna take that out. There are some photos where I wanna show my best self. Like, why would you post a glam headshot na hindi touched-up? No!” Oh, may point, ‘di ba? Bakit ka nga mag-po-post ng picture kung pangit ka doon? Haha!
Pero siyempre, paalala niya na pili lang ang pictures na dapat i-edit. Kung candid moments ang kinukuha mo, eh, ‘di ‘wag mo na galawin! Kung dapat nakakatawa, hayaan mo siyang magmukhang nakakatawa. Wala naman daw mali sa pag-ayos ng pictures, pero ‘wag din ‘yung sobrang OA na nababaluktot na ‘yung background mo kakapaliit ng baywang! Haha!
Kung bitin ka sa chika, nasa YouTube channel ng Hangover PH ang full kulitan moments ni Dia Maté!
Dia Maté, inamin na nag-be-beauty edit ng pictures niya
Beauty Queen nga, pero edited naman daw? Reyal ba o fak-eh?! ‘Yan ang mainit na tanong kay Reina Hispanoamerica 2025 winner Dia Maté matapos ungkatin ang kaniyang statement tungkol sa paggamit ng editing apps para pagandahin ang kaniyang mga litrato. Sabi niya noon sa isang interview, “All you see on the feed is us looking our best. But remember, we have editing apps, guys.” Nabukas muli ang topic na ito sa panibagong episode ng Hangover PH na kung saan tinanong kay Dia Maté kung true nga bang madalas siyang mag-edit ng pictures.
