Copyright ©2026 Yes FM
Dilaw, inilabas na ang debut album nilang ‘RARARA’
Dilaw, inilabas na ang debut album nilang ‘RARARA’
September 10, 2025

Handa na ba kayong sumabay sa trip, YesPren? Nitong September 5, ni-release na ng Dilaw ang panibagong album nilang pinamagatang ‘RARARA!’ Mayroon itong sampung kanta, at mapapakinggan na ‘to sa lahat ng streaming platforms.

advertisement

Ito ang debut album ng Dilaw, at sabi nila, ang ‘RARARA’ ay '”[isang album na] honest, something that's real.” Kuwento pa ni Leon Altomonte, ang gitarista ng banda, sa Baguio daw nila ito ginawa dahil doon unang nabuo ang Dilaw.

Nitong September 6, nagkaroon sila ng special launch concert sa Soundcheck Studios sa Pasig. Dito, tinugtog nila ang mga kanta sa ‘RARARA’ tulad ng FLYING KISS,' 'BLACK N' WHITE,' 'ALL IN,' 'SEYP,' 'LAMYERDA,' '!,' 'IKAW AT AKO AY,' 'H.O.Y (HANG OVER YOU),' 'AMISTAD,' at ang titular song na 'RARARA.'

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...