Copyright ©2026 Yes FM
Dionela, i-do-donate ang kikitain niya sa concert para sa mga biktima ng Super Typhoon Uwan
Dionela, i-do-donate ang kikitain niya sa concert para sa mga biktima ng Super Typhoon Uwan
November 11, 2025

Pinatunayan ni Dionela na ang ‘The Grace Tour’ niya ay tunay ngang may grasiya! Sa gitna ng excitement para sa kaniyang first major concert na gaganapin sa November 21 at 22, in-announce ng OPM singer-songwriter na lahat ng kikitain mula sa ‘The Grace Tour’ ay ibibigay niya sa mga biktima ng Bagyong Uwan.

advertisement

“Today, I made a decision that God impressed upon my heart. I'll be donating everything I earn from this concert to help the victims of the recent typhoon. The concert is called ‘The Grace Tour.’I guess this is what grace is all about,” sabi niya.

Dahil dito, maraming fans ang natuwa sa concert na mala-donation drive ni Dionela. Comment ng isang fan, “Truly, Dionela, your heart is as big as your compassion. Extending help to those in need reflects God’s grace in action. I feel deeply grateful to be part of this beautiful gesture of humility and love for humanity.” Nakaka-touch naman talaga, ‘di ba?

Kaya kung fan ka ni Dionela o gusto mong makatulong habang nag-e-enjoy, kita-kits tayo sa ‘The Grace Tour’ concert!

Caption: Tama kami ng sinusuportahang artist! Maraming salamat, Dionela! 🥰

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...