Copyright ©2026 Yes FM
DJ Biboy Bibo at Ganda Wanda, nag-AWOL?!
DJ Biboy Bibo at Ganda Wanda, nag-AWOL?!
August 29, 2026

Sa isang Facebook post ni DJ Biboy Bibo, may mensahe itong, “Nag-AWOL na kami ni Ganda Wanda, kasi meron na kaming malita.”

Ay! Nag-AWOL?!

advertisement

Akala tuloy ng lahat, biglang mawawala sina DJ Biboy Bibo at Ganda Wanda! May malita raw kasi, kaya baka ibang chapter na ang peg ng dalawang ’yan. HUUUY!

Pero teka lang, YesPren! Ibang “malita” naman pala! Maleta pang-travel naman pala ’yon! HAHAHA! Kung alam lang namin, hindi na sana kami nagpaalam agad!

Hindi pala nag-AWOL ang dalawang ’yan. Nag-VL lang pala kasi may lakad at kailangang mag-empake ng maleta! Aba, ibang klase! Habang tayo nag-iisip kung may goodbye na bang magaganap, sila naman pala busy magtupi ng damit at mag-check kung kasya pa ang pasalubong. HAHAHA!

So kung may nag-iisip na, “Ay, wala na sila sa YES?!” Aba, meron pa rin! Hindi resignation ang dala nila, maleta lang!

At dahil may maleta na, siyempre mapapaisip ka rin: Ano kaya ang laman? Damit? Sapatos? Pasalubong? O baka may kasamang pera at dokumento tungkol sa flood control? HUUUY! Charot lang!

Basta ang malinaw, hindi sila tumakas sa trabaho. Nag-VL lang para gumala! Kaya huwag muna tayong mag-drama at mag-goodbye.

Andiyan pa rin sina Biboy Bibo at Ganda Wanda para magtrabaho, makipagkwentuhan, makipag-debate, at syempre, dagdagan ang SOLID na saya sa YES FM!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...