HINDI LANG BASTA BOSES, MGA YESPREN!
Akala niyo ba ang pagiging DJ ay upo-upo lang at daldal sa harap ng mic habang naka-aircon? Nagkakamali kayo! Sa huling episode ng Expert’s Opinion, ibinunyag nina DJ Rico Panyero at DJ Sam ng Easy Rock Manila ang totoong “bakbakan” sa likod ng mga boses na naririnig ninyo araw-araw. Hindi lang basta salita ang trabaho, kundi matinding multi-tasking, dahil ang radio jock ay certified “One-Man Show.” Sila na ang DJ, sila pa ang scriptwriter, at sila rin ang editor ng sariling segments at program lineup.
Kala niyo ba hanggang studio lang ang laban? Isang malaking NO! Kasama sa trabaho ang pagiging all-around, mula sa paggawa ng sariling social media content hanggang sa field work tulad ng pagdikit ng stickers sa terminals at pamimigay ng merchandise sa ilalim ng tirik na araw. “Bawal ang maarte, bawal ang ayaw sa mainit,” hirit ni Rico. Kaya sa susunod na makinig kayo sa radyo, tandaan: hindi lang ‘yan boses, dugo’t pawis ang puhunan ng inyong mga paboritong Yespren para sa solid na serbisyo at saya!
Kayo ba Yespren, kaya niyo ba ang all-around powers ni DJ Rico Panyero?

