advertisement
Dahil sa banat na may halong lambing at parinig, hindi maiwasang mapaisip ng netizens kung may pinagdadaanan ba si Sexy Megan o baka naman may isang taong biglang sumagi sa isip niya habang ginagawa ang post.
Naging halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizen. May ilang nakisakay sa kanyang humor at may nagkomento pa ng, “May pinagdadaanan ’to, tingin ko. Ano beh, banatan na ba natin ’yang may mga atraso sa’yo?”
May isa naman na simple lang ang paalala: “Oiy, be a good gurl.”
Pero bago gumawa ng sariling teleserye sa comment section, baka naman wala talagang kaaway si DJ Sexy Megan! Baka gusto lang niyang magpasaya at magbigay ng isang nakakatawang reminder na kung gusto mong good karma ang bumalik sa’yo, aba, maging mabait ka rin sa kapwa. (May kaaway talaga’yan siya. EME!)
Kaya imbes na maghanap ng kaaway, take it as a sign na lang: be a good gurl, be kind, at baka mas maganda rin ang balik sa’yo ng life.
Ikaw, YesPren, ano ang gusto mong bumalik sa’yo? Good karma o bad karma?
DJ Sexy Megan, may kaaway?! "Sama kasi ng ugali mo eh"
May pinatatamaan ba si DJ Sexy Megan o payo at good vibes lang talaga ang pakay?
Napaisip ang ilang netizens matapos magbahagi si DJ Sexy Megan ng isang video post sa kanyang Facebook na may mensaheng, “I hope life treats you well. If it doesn’t, baka karma mo ’yan? Sama kasi ng ugali mo eh.”
