Copyright ©2026 Yes FM
DMAP, ibinunyag na ang Global Keynote Speakers at Conference Tracks para sa DigiCon 2026!
DMAP, ibinunyag na ang Global Keynote Speakers at Conference Tracks para sa DigiCon 2026!
September 29, 2026

Opisyal nang sinimulan ng Digital Marketing Association of the Philippines (DMAP) ang susunod na chapter ng DigiCon 2026! Inihayag nila ang mga kauna-unahang global keynote speakers, conference tracks, at mga bagong partnership opportunities sa ginanap na press conference noong Lunes, August 10, 2026!

Matapos i-reveal ang tema ngayong taon na “Interoperability: Welcome to the Age of Collaboration,” binigyan ng media conference ang lahat ng paunang silip kung paano bubuhayin ng pinakaprominenteng digital marketing conference sa bansa ang pananaw na ito. Ipinakita ito sa pamamagitan ng kanilang lineup ng speakers, mga nakahanay na programa, at iba’t ibang inisyatibo bago ang mismong event.

Sa pagbubukas ng programa, malugod na tinanggap ni DMAP Vice President for Internal Affairs at Board Trustee Kit Ramos Disini ang mga miyembro ng media at industry partners, habang binibigyang diin ang mahalagang papel ng DigiCon sa pagpapatatag ng buong marketing ecosystem.

Sabi niya, “The pace of change in marketing has never been faster, and no one organization has all the answers. DigiCon exists to create the space where brands, agencies, platforms, creators, and innovators can learn from one another and build the future together.”

Ibinahagi rin ni DigiCon 2026 Co-Chair Raymund Sison ang vision ng conference at kung anu-ano ang mga dapat abangan ng mga dadalo sa taong ito.

Paliwanag ni Sison, “This is only the beginning of what we’ll be unveiling over the coming months. From additional speakers and DigiConX activations to new industry partnerships, we’re building a conference that reflects the collaborative future we’re asking the industry to embrace.”

Para sa edisyong ito, magkakaroon ang DigiCon ng mga exciting na bagong features para mas maging masaya at sulit ang participation ng lahat. Hindi lang ito ang karaniwang nakasanayang conference! Makakapag-network ang mga delegado sa kanilang mga kapwa professionals, local creators, at potential partners sa community stage. Makakakuha rin sila ng matitinding insights mula sa industry leaders sa keynote sessions, makakapag-hone ng practical skills sa hands-on workshops, at makakapag-explore ng immersive brand activations.

Isa sa mga pinakamalaking anunsyo sa naturang kaganapan ay ang pagtiyak sa unang dalawang international keynote speakers para sa DigiCon 2026.

Nagpadala ng isang video message si Professor Dr. Christian Busch, bestselling author ng Connect the Dots at propesor sa University of Southern California at London School of Economics. Ibinahagi niya rito ang patikim sa kanyang talakayan tungkol sa kung paano mai-unlock ng mga organisasyon ang pagbuo ng makabuluhang koneksyon sa iba’t ibang industriya at pagyakap sa serendipity bilang kakaibang diskarte sa negosyo.

Makakasama rin niya si Judy John, Global Chief Creative Officer ng Edelman at isa sa pinakakilalang creative leaders sa buong mundo. Sa kanyang video message, binigyang-diin ni John ang kahalagahan ng cross-disciplinary thinking habang kinikilala ng mga brand ang mundo ng mas connected na mga audience, platform, at teknolohiya.

Ipinakilala rin sa press conference ang mga panibagong tracks para sa DigiCon 2026. Sa isang panel discussion na pinangunahan ni Director for Publicity Mori Rodriguez, ibinahagi nina Track Leads Gino Nacianceno (Innovation), Jordan Santos (Impact), at Denise Haak (Immersive), kasama si DigiConX Co-Director Nikki Sunga, ang mga usaping magpapatakbo sa programa ngayong taon.

Tinalakay sa panel kung paano lalampas ang mga kumpanya sa AI hype patungo sa tunay na business value, kung paano makakabuo ng immersive experiences gamit ang cross-sector partnerships, ang paggawa ng mga authentic at purpose-driven campaigns, at ang paggawa sa mga audience na aktibong collaborators mula sa pagiging passive consumers lamang.

Ngayong taon, inilunsad din ng DMAP ang DigiConX—isang nationwide expansion ng conference kung saan magkakaroon ng satellite pop-ups sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Bago pa man ang main conference, ilalapit ng DigiConX ang pinakamalalaking usapin sa industriya sa iba’t ibang rehiyon sa pamamagitan ng pakikipag-partner sa mga organisasyon, paaralan, at mga brand para sa talks, panels, at learning sessions.

Sa pagtatapos ng event, inihayag nina Director for Creative & Experience Dale Lopez at Partnerships & Sponsorship Lead Alan Fontanilla ang bagong DigiCon website at ibinahagi ang mga oportunidad para sa sponsorship at partnership.

Ang DigiCon 2026 Press Conference ay gaganapin sa October 15–16, 2026, sa Grand Ballroom ng Manila Marriott Hotel. Para sa mga interasadong organisasyon sa sponsorships at partnerships, mag-email sa [email protected]. Para sa mga ticket, official announcements, speaker reveals, at highlights, bisitahin lamang ang opisyal na website at social media channels ng DigiCon.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...