Walang nakapigil sa pagtaas ng kilay ng 'Dogshow Divas' hosts na sina Macoy Dubs at Baus Rufo. Sa isang episode kasi ng kanilang online show, nanawagan ang dalawa na 'wag gamitin ang queer community para makakuha ng views.
Nabuksan ang topic na ito habang nagbabasa sila ng comments at katanungan mula sa fans. Isa sa mga ito ang nagtanong sa dalawa kung paano raw sila nagladlad. Imbes na ichika ang kaganapan, ginamit nila Macoy at Baus ang tanong na ito para pag-usapan ang queerbating.
Sa mga 'di aware sa term na ito, ang queerbaiting ay isang "marketing technique" sa social media. Dito, gumagawa ng contents ang mga creator na naglalaman ng mga pangyayari o kilos ng mga miyembro ng LGBTQ+, pero sa totoong buhay, straight sila. Gets ba?! CHAROT!
Chika ni Macoy, "'Yung mga straight na nagbabakla-baklaan na content, itigil niyo 'yan!" Dinagdagan naman ito ni Baus at sinabing, "Queerbating. Tigil niyo 'yan, ha?"
Hindi naman nila pinangalanan kung sino ang mga ito. Wala rin naman daw kasi silang pinatatamaan na personalidad.
Sa huli, idiniin nang malala nina Macoy at Baus ang pagpasa ng SOGIE Bill para sa karapatan ng mga miyembro ng LGBTQ+!

