Mukhang hindi na natin ulit makikita ang sexy baby bump ni Iya Villania, mga YesPren! Matapos kasi ang kanilang ika-limang anak, tuluyan nang nagpa-vasectomy si Drew Arellano.
Sa isang Instagram post nitong April 29, pinasilip sa'tin ng 'Biyahe ni Drew' host ang kaniyang larawan bago ang nasabing procedure.
View this post on Instagram
Ang vasectomy ay isang uri ng birth control para sa mga lalaki kung saan pinuputol ang "vas deferens" para hindi na makadaan ang sperm. Ayon kay Dr. Mary Joyce Mondina - Yabyabin sa programang 'Pinoy MD,' hindi nito nababawasan ang pagkalalaki at sex drive ng isang tao.
Hinangaan naman ng followers at ilang mga artista ang katapangan ni Drew. Dapat daw siyang tularan ng mga kalalakihan ayon kay Carla Abellana.
Inasahan niyo na ba ang pa-snip snip na ito ni Drew Arellano, mga YesPren?

