advertisement
Dahil may ilang netizens na nagbigay ng ibang meaning sa lumang interaction, naglabas ng statement si Dustin nitong madaling-araw ng September 10, 2026.
Ayon kay Dustin, una niyang hindi pinansin ang issue dahil mas focused siya sa mga good things happening sa life niya. Pero nagsalita siya para sa kanyang loved ones at bilang respeto sa LGBT community.
Nilinaw ni Dustin na joke lang umano ang reply niya noon at paraan para makipag-interact sa mga nagta-tag sa kanya.
“I replied to a comment on that account maybe around 5 years ago as a joke and simply to interact with people who were tagging me. Wala akong ibang intention behind it.”
Dagdag pa niya, ngayon lang niya nalaman na nagbago na ang account at content nito. Sabi niya, ginagamit ngayon ang old comment para gawan siya ng ibang story.Para kay Dustin, alam niya kung ano talaga ang ibig niyang sabihin noon at hindi niya hahayaan na ibahin ang meaning nito. Para naman sa mga patuloy na nagda-drag sa kanya at nang-babash, simple lang ang message niya: “I hope you find happiness.”

