advertisement
February 2020 nang mangyari ang first-ever ‘Ebe Dancel’ solo concert na ginanap para sa celebration ng kaniyang 20th anniversary, at 5 years later, balik-entablado na ang singer-songwriter para sa ‘The Repeat’ concert na ito! Wala pa mang ibang concert details, marami na ang nagbigay ng suporta sa kaniya. Request pa ng iba, sana raw ay sa Araneta Coliseum na ito gawin dahil masiyado na raw maliit ang New Frontier Theater. Ang dami mo talagang fans, Ebe!
Sinimulan ng OPM icon ang celebration ng 25th anniversary niya no’ng February 2024. Nag-kickoff ang kaniyang bar tour sa Balcony Music House, at sabi niya, “I started my career performing at small bars, and I think it's time to do it again.”
Kung ‘di man tayo nagkita-kita sa kaniyang bar tour, may chance tayo magkita-kita sa New Frontier Theater! See you, mga YesPren!
Ebe Dancel, magbabalik-entablado kasama ang Manila String Machine para sa 25th anniversary concert
Handa ka na ba sa isang gabing ‘di malilimutan, YesPren? Bilang pagdiriwang ng kaniyang 25th year sa industriya, magkakaroon muli ng concert si Ebe Dancel! Gaganapin ang ‘Ebe Dancel: The Repeat’ kasama ang The Manila String Machine sa November 15, 2025, sa New Frontier Theater.
