Copyright ©2026 Yes FM
Ellen Adarna, hiniwalayan si Derek Ramsay para makakuha ng pera?
Ellen Adarna, hiniwalayan si Derek Ramsay para makakuha ng pera?
September 29, 2025

Ano na namang issue ito tungkol sa pera, mga YesPren?! Kung binibigay niyo sa'min 'yan, 'di sana happy happy ang lahat, right? CHAROT! Umarangkada na naman kasi sa pakikialam sa ibang buhay si Xian Gaza. Noong September 28, sinabi niyang may naghiwalay na isang tagapagmana ng malaking kompanya sa Visayas at Mindanao at ang asawa nitong celebrity billionaire.

Sure akong dumiretso rin kayo sa comment section, pero as usual, sinara niya ito at sinabing, "secret walang cluE." Lumutang namang muli ang pangalan nina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Sa kasunod na post, sinabi niyang planado lahat ng babae ang mga ito para magkaroon ng hati sa bilyones ng aktor. Idinamay na rin niya ang anak ng aktres sa ibang lalaki. Bagay na 'di natin gagawin, kasi 'di naman tayo kasing papansin ni Xian. Charot!

September 29 naman ng umaga, nagsalita ang aktor na si Derek Ramsay. Sa isang 15-second video sa Instagram, sinabi niyang hindi truelalu ang chika ng Pambansang Marites. Say niya, "I'll just keep this very simple. There's no truth to anything that he said. That's it, Guys. That's all I have."

advertisement

Siguro naman, ayos na ang mga 'di niyo mapakaling pagkachismakers, mga YesPren? Galing na mismo kay Derek Ramsay 'yan. Pero, kung totoo man na hiwalay na sila, hindi natin sila dapat pakialaman dahil may mas malaking issue pa tayong dapat paingayin. Oki? Bye!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...