Napa-wow na lang talaga si Ellen Adarna sa tila isang "talent" daw na nadiskubre niya sa asawang si Derek Ramsay! Kaso lang, imbes na mapasinungalingan ng "talent" na ito ang balitang hiwalay na sila, mas napagtibay pa nga, YesPren! Awit!

Sa isang series ng Instagram Stories noong November 17, ibinulgar ng artista ang pagiging unfaithful daw sa kaniya ng asawa. Sinimulan niya ito sa pagsasabi ng "Sad boi era" at "Sympathy fishing" na may kasama pang "#manchild." Talaga namang humabol ka pa sa trend ni Sabrina Carpenter, YesPren Ellen!
Kasunod nito ang ilang screenshot ng pangungulit diumano ni Derek sa isang babae. Nakalagay pa nga sa isang message ang "I don't get why we have to keep talking pa if may [Ellen] na siya." Ouch! Pighati! Kaya pa ang pasabog, mga YesPren?!


Take note daw na nangyari ang palitan ng mga message na ito siyam na araw matapos maging official ang relasyon nila at nalaman lamang ito ni Ellen tatlong linggo na ang nakakaraan.

Hindi raw pangangalanan ni Ellen ang babae at ilalabas na lang ang lahat sa isang "proper forum." Korte nga ba ito? Abangan na lang natin! Sa ngayon, aabangan muna namin kung kani-kaninong jowa ang mapapraning na naman diyan! CHAROT!


