Copyright ©2026 Yes FM
Ely Buendia at DJ Love, maglalabas ng ‘Bulaklak Sa Buwan’ budots remix
Ely Buendia at DJ Love, maglalabas ng ‘Bulaklak Sa Buwan’ budots remix
Ely Buendia at DJ Love, maglalabas ng ‘Bulaklak Sa Buwan’ budots remix
April 24, 2025

Asahan na nating magiging solid ang collaboration song na ‘to, mga YesPren! Ang dalawang OPM icons na sina Ely Buendia at DJ Love ay nagsanib-puwersa para sa ‘budots’ remix ng Bulaklak Sa Buwan. Sa isang Instagram post, in-announce ng Offshore Music ang collab na ito. Sabi nila sa caption, “METHOD ADAPTOR REMIXED 🖼️ Bulaklak sa Buwan (DJ Love Remix).”

Ang Bulaklak sa Buwan ay original song ni Ely Buendia mula sa kaniyang 2024 album na Method Adaptor. Naging surpresa sa fans ni Ely ang announcement na maglalabas siya ng Method Adaptor Remix album dahil halos isang taon na ang lumipas nang ni-release ang original nito. Isa pang ikinagulat ng fans ang ka-collab niyang si DJ Love, isang electronic music producer na kilala bilang pioneer ng ‘Budots’ sound.

advertisement

Mukhang may bago na naman tayong tugtugan sa jeep at sa fiesta, mga YesPren!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...