Ang outdoor event na 'ERASERHEADS: ELECTRIC FUN MUSIC FESTIVAL' ay wala pang kabuuang detalye, pero may paunang tickets na mabibili lamang gamit ang PalawanPay simula ngayong March 24.
advertisement
Hindi pa natapos dito ang sunod-sunod na pasabog ng banda. Ipinakita rin nila ang isang bagong kanta, na nagsimula ng chismis tungkol sa bagong kanta na siguro raw ay ilalabas nila. Kung tumpak ang chika, ito ang magiging unang bagong "material" ng Eraserheads matapos ang mahigit isang dekada.
Talagang tinutupad nila ang "We are here to stay" na pangako nila sa'tin, mga YesPren!

