Miss mo na ba ang high school kulitan? Nagbabalik ang paborito nating TikTok star na si Esnyr Ranollo sa classroom comedy scene sa kanyang pinakabagong online series, ang First Day High! Pagkatapos ng ilang buwang pananabik ng fans, muling bubuhayin ni Esnyr ang mga iconic at nakaka-relate nating eksena sa paaralan na patok na patok sa netizens.
BUT WAIT, THERE'S MORE! Hindii lang ito basta-bastang simpleng balik-eskwela dahil literal na star-studded ang bagong show. Kasama lang naman niya ang nag-iisang Unkabogable Star na si Vice Ganda, ang phenomenal loveteam na DonBelle (Donny Pangilinan at Belle Mariano), at si Enchong Dee! Isipin mo na lang ang matinding power kapag nagsama-sama ang mga dambuhalang showbiz personalities na ito kasama ang mga nakatutuwang karakter na sikat sa kanyang skits.
Siksik sa tawanan, nostalgia, at SOLID na kakulitan ang bawat episode kaya siguradong mapapa-throwback ka sa sarili mong high school days. Mapapanood na online ang First Day High kaya huwag na huwag palampasin ang unang araw ng klase!

