Mabilis pa sa alas kwatro nang kumalat sa social media ang post ni Jellie Aw ng diumano'y pambubugbog sa kaniya ni Jam Ignacio, ang dating boyfriend ni Karla Estrada.
advertisement
Sinimulan ni Jellie ang post sa sarkastikong pagbati ng "HAPPY VALENTINES" kasunod ang mga katagang "mapapatay mo [‘ko]" sa kasintahan. May kasama ring pagbabanta na ipakukulong niya si Jam dahil sa ginawa nito sa kaniya. Kasama rito ay ang mga litrato ng DJ kung saan makikita ang kaniyang mukha na may galos.
Nag-post din ang kapatid ng content creator na si Jo Aw ng iba pa niyang litrato na halos hindi na maidilat ang kaniyang mga mata dahil sa lala ng natamo niya.
Ilang oras bago ang insidente, nag-post pa si Jellie na nasa salon sila ni Jam. Mapapanood pa sa Instagram stories na ito ang manicurista na may pangalang ‘Carla.’ Hula ng netizens, isa itong pang-aasar sa ex-girlfriend ni Jam na si Karla Estrada. Matatandaang November 2024 nang ianunsyo nina Jam at Jellie ang kanilang engagement matapos ang apat na buwan na nilang relasyon. Sa ngayon, wala pa ring pormal na kasong inihain ang DJ na kasalukuyan pa raw nagpapagaling.

