Copyright ©2026 Yes FM
Fans ni BINI Maloi, magtitipon para sa birthday event na ‘Maloi Day Act II’ ngayong Mayo
Fans ni BINI Maloi, magtitipon para sa birthday event na ‘Maloi Day Act II’ ngayong Mayo
May 21, 2026

READY NA BA ANG BLOOMS AND LUCKIES?

Papalapit na ang birthday ng ating LUCKY girl na si BINI Maloi! Para sa Blooms diyan, siguradong markado na sa mga kalendaryo niyo ang "Maloi Day Act II: City of Luck" na gaganapin ngayong May 23, 2026!

advertisement

Matapos ang tagumpay ng Act I last year, hindi nagpaawat ang fanbases ni Maloi sa pag-organisa ng mas malaki at mas masayang celebration! Pangalawang installment na ito ng Maloi Day at inspired ito sa movie na La La Land kung saan ipinagdiriwang ang pag-abot sa mga pangarap at ang mga kasuwertehan ng mga bituin.

Ano nga bang aasahan sa event? Siyempre, hindi mawawala ang mga iba't ibang booths, OPM artist performances, at ang pinakabagong ganap ay isang exclusive na rave night bilang finale!

Kumpirmado na ring mag-pe-perform ang ilang OPM artists tulad ng The Itchyworms, Sugarcane, Frank Ely, Jao, DWTA, at Noah Alejandre. May iba ring surpresang artists na magtatanghal!

Talagang ramdam ang Maloi magic sa bawat detalyeng inihanda ng Luckies and Blooms! Siguradong magiging punong-puno ng luck at pagmamahal ang araw na ito! Kita-kits sa City of Luck, Bloomies! Happy Maloi Day!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...