Copyright ©2026 Yes FM
Fans nina Jennylyn Mercado, Sarah Geronimo, at Toni Gonzaga, nagbabangayan online sa titulong RomCom Queen
Fans nina Jennylyn Mercado, Sarah Geronimo, at Toni Gonzaga, nagbabangayan online sa titulong RomCom Queen
Fans nina Jennylyn Mercado, Sarah Geronimo, at Toni Gonzaga, nagbabangayan online sa titulong RomCom Queen
January 20, 2025

Bardagulan na ng fans ito, mga YesPren! Mainit na usapan kasi ngayon sa X ang pangalan nina Jennylyn Mercado, Sarah Geronimo, at Toni Gonzaga at kung sino nga ba talaga ang dapat magsuot ng korona bilang RomCom Queen.


Nagsimulang mabuhay ang dugo ng mga fan matapos tawagin ni Dennis Trillo ang kaniyang wifey bilang “RomCom Queen” sa pagbabalik nito sa pelikulang ‘Everything About My Wife’ nitong January 18.

advertisement

Kani-kaniyang almahan naman ang supporters ng tatlong aktres dahil sa titulong ito. Marami ang natuwa sa pagbibigay ni Dennis ng titulong ito sa misis. Ito ay dahil rin sa blockbuster movies ni Jen, gaya ng ‘English Only, Please’ at ‘Walang Forever,’ kung saan parehas niyang nakuha ang Best Actress Award sa MMFF.

Buwelta naman ng isang fan, “Don’t you dare steal it to The Laida Magtalas, The 3X BOX OFFICE QUEEN, THE ICONIC MOVIE QUEEN OF FAMAS, THE SARAH GERONIMO.” Banat naman ng isa, “I’d say it’s Toni Gonzaga, but we all have our opinions.”


Sino nga ba talaga ang RomCom queen para sa inyo, mga YesPren? Vote Wisely! Eme hahaha!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...