Copyright ©2026 Yes FM
FiYESta sa Caloocan, hindi nagpapigil sa matinding ulan!
FiYESta sa Caloocan, hindi nagpapigil sa matinding ulan!
September 5, 2026

Kahit anong panahon, SOLID ang saya!

Hindi naging hadlang ang malakas na ulan at bagyuhan para maki-FiYESta ang mga taga-Caloocan sa FiYESta Leg 2 ng Yes FM! Kahit basang-basa ang paligid, nanatiling solid ang energy ng mga dumalo na handang maki-party, makilaro, at makisaya kasama ang kanilang mga paboritong Yes FM DJs.

advertisement

Tuloy-tuloy ang kantahan, sayawan, tawanan, palaro, at raffle, kaya ramdam na ramdam pa rin ang good vibes sa buong venue. At siyempre, may mga masusuwerteng umuwi rin na may bitbit na bigas, home appliances, at iba’t ibang prizes!

Talagang pinatunayan ng mga taga-Caloocan na kapag FiYESta ang usapan, walang rain or storm na makakapigil sa saya!

Mas naging espesyal ang gabi dahil sa live performances mula sa April Boys 2, Luke Mejares, Mitoy Yonting and the Draybers, Yes! FM DJs, at siyempre, ang paborito ng lahat, Route XYZ! Sa bawat performance, sabay-sabay ang hiyawan at kantahan ng crowd, habang unti-unting naging isang malaking FiYESta ang buong venue!

Hanggang sa susunod na FiYESta! Asahan ang mas maraming kantahan, tawanan, palaro, prizes, at SOLID moments kasama ang inyong paboritong Yes! FM DJs!

Maraming salamat, Caloocan, sa pinaka-SOLID na FiYESta!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...