Copyright ©2026 Yes FM
Flow G, inilabas na ang ‘247’ album na may Php 100,000 limited edition vinyl set
Flow G, inilabas na ang ‘247’ album na may Php 100,000 limited edition vinyl set
August 16, 2025

Matapos ang sunod-sunod na hit singles, may bagong pasabog na muli si Flow G! Sa isang Facebook post, in-announce na ng rapper ang kaniyang debut full-length album, ‘247.’ Ni-release ito kasabay ng kaniyang birthday noong August 14, 2025.

advertisement

12 tracks ang mapapakinggan natin sa ‘247,’ at bukod sa digital release nito, mayro’n ding available na vinyl at custom turntable. Limited edition lang ito, kaya naman tumataginting na Php 100,000 ang bawat set!

Mapapakinggan na ang buong album sa YouTube. Napakinggan niyo na rin ba ito, YesPren?

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...